Naisipang kong magsimula magsulat dito ngayon dahil kaarawan ng aking unang minahal. Si Pons ay kamag-aral ko noong high school.
Hindi ko maintindihan kung bakit laging ang bigat ng pakiramdam ko kapag uwian na, hanggang sa isang araw, habang nanonood ako ng Olympics sa TV, nadiskubre ko na umiibig na pala ako sa kanya.
Ilang beses din niya akong inimbita para matulog sa kanila. Pero wala akong ginawa hanggang isang araw na apat kaming nakitulog sa kanila.
Isa doon si Vic, isa pa naming kamag-aral na kapareho ko ng kaarawan na meron ding itsura.
Nang matutulog na ako, sabi ni Vic na doon ako mahiga sa gitna nila ni Pons.
Pero hindi sila kaagad natulog. Nang gumising ako sa kalaliman ng gabi, si Vic ay nakaupo sa isang armchair, at si Pons na naka shorts ay nakaupo sa armrest na nakapatong ang isang paa sa kabilang armrest.
Nakatalikod si Pons sa akin, pero naisip ko na kung ako ang nasa pwesto ni Vic, nasa harap ko ang singit ni Pons.
Noong sumunod na araw, sabi ni Pons na maliligo siya, at si Vic ay nandoon lang sa kuwarto ni Pons. Pero pagakyat ko sa kaisa-isang hagdanan, wala si Vic sa kuwarto, pero rinig ko ang tubig sa banyo.
Wala akong ibang naisip kundi na magkasama sila sa banyo.
Pero wala akong nagawa hanggang sa nagtapos na kami.
Doon lang lumakas ang loob ko na dumalaw kay Pons. Pero syempre, tumawag muna ako.
Noong una, sabi niya hindi pwede dahil pupunta siya sa dentista. Pagkatapos ng ilang linggo, tumawag ulit ako. Ganoon ulit ang sabi niya.
Nagalit na ako. Hindi na kapanipaniwala na lagi na lang ganoon.
Humingi siya ng paumanhin at sinabi kung kailan kami pwede magkita.
Pumayag ako. Nang pumunta na ako sa kanila doon niya sinabi na gusto niya lang malaman kung seryoso ako sa pakikipagkita, o kung wala lang akong magawa at ibang malapitan. Alam niya na may gusto ako sa kanya, pero si Vic ang mahal niya.
Ang problema, relihiyoso si Vic. Nang magtapat na si Pons, hindi pumayag si Vic.
Hindi daw siya tututol na magsama kami, pero kung magbago ang isip ni Vic, magbabago din ang isip ni Pons tungkol sa akin.
Ilang buwan din kaming nagsama, pero mahirap. Sa gitna ng Laguna at Cavite ako nakatira, at siya ay nag-aaral sa Hilagang bahagi ng Quezon City.
Di nagtagal, nakahanap din siya ng ibang mas madalas niyang makita, at naiwan na ako.
Ilang beses akong bumalik sa kolehiyo niya, dahil doon din nag-aaral noon ang best friend ko. Minsan ay nakita ko siya na nagmamaneho ng kotse, pero nasa second floor ako noon at di makahabol.
Nang magkaroon ng internet ay hinanap ko siya, at nakita ko ang email niya. Pero hindi ko alam kung gusto kong sariwain ang nakaraan o panatiliing maganda ang huling alaala ko sa kanya. May nagawa siyang libro, at nakikita ko pa yon sa mga bookstore paminsan minsan.
Si Vic ay nahanap ko rin sa internet. Guro na siya sa isang Christian school. Mabuting nalalaman na may ibang bagay na hindi nagbabago.
| marciallobaby ( |
Unang Pagkakataon
- Post a new comment
- 0 comments
- Post a new comment
- 0 comments